Gaya ng nakagawian, umuwi ako sa Taal nuong araw ng mga patay para dumalaw sa puntod ng aking mga kamag-anak. Kailanma'y hindi ko nakaligtaang umuwi ng Batangas sa ganitong okasyon. Importante ito sa akin dahil minsan na nga laang ako dadalaw sa kanilang puntod, hindi ko pa ga magawa iyon? Pero sa unang pagkakatao'y November 2 ako nakapunta sa halip na November 1. Sa sobrang pagod ko nung November 1 ay nakatulog ako buong hapon, nakahilata sa katre hanggang alas kuwatro y media ng hapon. Ayaw kong malubugan ng araw sa libingan kaya't ipinagpaliban ko na laang.
Mag-isa akong nagpunta sa libingan, dala-dala ang mga bulaklak na binili ko ng P200.00 sa flower shop sa plasa, pati ang mga kandilang binili ko sa Maynila. Mukhang ako ang unang dumalaw nung araw na iyon. May mga upos nang kandila at lantang mga bulaklak na malamang ay nuong nakaraang araw pa dinala roon. Anim na tao ang nakalibing sa nitsong ito. Nuong ako'y bata pa'y dalawa laang: ang aking lolo't lola sa ama na parehong namatay nuong 1960s dahil sa katandaan. Ipinanganak sila nuong 1800s. Ang daddy ko'y ipinanganak nuong 1929 (siya'y pangalawa sa bunso sa labin-isang magkakapatid), at nag-asawa naman siya nuong siya'y 47 years old na, kaya't hindi ko na naabutang buhay ang aking lolo't lola. Nuong 1990s, inilipat sa nitsong ito galing sa kani-kanilang pinaglibingan ang Tatay Didong at ang kanyang asawa, pati na ang pinsan kong si Victor na namatay pagkaanak, at ang pamangkin ko sa pinsan na si Jenny na namatay rin pagkaanak. Medyo siksikan sila ngayon sa loob, pero sa tingin ko'y masaya naman sila't nagpangi-pangita sila kahit sa kabilang buhay.
Mainit ang sikat nga araw pero maaliwalas sa libingan. Kakaunti ang mga tao, hindi kagaya pag November 1 na pagkainit at maingay dahil sa mga sasakyan at sa mga nagtitinda ng makakain. Mataas ang kinalalagyan ng libingan. Kita ko sa malayo ang basilika, pati ang dagat at mga bundok sa malalayong bayan. Naglakad-lakad ako sa libingan. Matagal ko na ring gustong gaw-in ito dahil alam kong matagal na ang libingang ito, na ang tawag nuon ay campo santo kung saan marami nang nakalibing bago pa man mag-gera. May ilang malalaking musoleo rito; pamilyar ang apelyido ng mga nakalibing dahil nabibilang sila sa mga elite ng bayan ng Taal. Meron pang mga nitso sa loob na wala pang laman, nag-iintay kung sinong miyembro ng pamilya ang susunod sa kanyang mga kamag-anak.
Nagawi ako sa may silangang bahagi ng libingan. madaling matukoy kung aling mga nitso ang luma na dahil kakaiba ang kanilang itsura. Ngay-on kasi'y ang mga nitso'y basta na lamang ginawa, hindi katulad nuon na mas may disenyo at mayroon pang mga estatwa ng mga santo o anghel. May mga inilibing ng 1920s o mas matagal pa. Dito sa bayan ay marami ring nakalibing sa loob ng basilika; siguro'y mga taong malapit sa simbahan noong panahon ng Kastila o bago pa mag-gera. Makikita ang mga lapida nila sa mga pader at haligi ng simbahan, pati na sa sahig na natatapak-tapakan ng mga magdaraan. Pero bihira kong makitang may nagtitirik ng kandila para sa mga iyon, o may magdala man ng bulaklak.
Matagal ko na ring gustong hanapin ang pinaglibingan sa Ate Payang. Tiya siya ng aking ama na tumira sa bahay na aking nilakhan hanggang siya'y mamatay nuong 1998 sa edad na 101. Napamahal siya ng husto sa amin, kaya nga't hindi ko matanggap na mula pa nuong siya'y mamatay ay ni hindi ko man lamang siya nadalaw dahil walang nakaaalam sa amin kung saan siya nakalibing. Yung mga pamangkin niya ang may alam pero sa bukid sila nakatira at bihira mapunta sa bayan. Maraming lampin namin ang nalabhan ng Ate Payang. Marami siyang bigas na naibilad sa araw bago maipagiling at makain namin. Tuwang tuwa ako nung bata pa ako pag nakikita ko siyang naninigarilyo na ang dulong may sindi ang nilalagay niya sa loob ng kanyang bibig. Ilang taon bago siya namatay ay nagkaroon siya ng Alzheimers, pero hindi ito na-diagnose. Napansin ko ito nang isang araw ay itanong niya sa akin kung saan ang daan papunta sa kabilang bahay. Anong kabilang bahay? tanong ko. Ang tinutukoy pala niya'y ang bahay nila sa bukid. Mabuti na lamang at nung mga huling oras ng kanyang buhay ay nandoon ako sa Taal para magbakasyon. Ako pa ang nag-compile ng mix tape na ipinapatugtog ko sa punerarya nung kanyang libing dahil sa palagay ko'y maduduwal ako pag narinig ko na naman ang Hindi Kita Malilimutan ni Basil Valdez na halos araw-araw kong naririnig pag dumadaan ang punerarya ng alas-tres ng hapon. Hindi ko rin talaga nakita ang kanyang libingan nung araw ng mga patay, pero lagi naman siyang nasa isip ko.
Pawang matatanda ang nakatira sa Taal, lalo na sa town proper kung saan ang mga kabataa'y sa Maynila na (o sa ibang bansa) nag-college, at bihira na bumalik. Lumaki ako na halos puro matatanda ang nakakasalamuha araw-araw. Nakakatawa rin dahil halos yata lahat ng mga bahay sa amin ay may matatandang dalaga. Kaibigan sila ng mga tiya ko na matatandang dalaga rin. Madalas ko silang makita noon lalo na kapag may okasyon, kagaya pag may mga padasal. Busy sila pag November 2, dahil pag araw na ito'y pumupunta sila sa bahay ng mga namatayan ng taong iyon para magdasal. Sama-sama sila doon, suot ang kanilang mga printed na bestida na parang pang-1940s, bitbit ang kanilang mga rosaryo, dasalan, at pamaypay. Pag umuuwi ang tiya ko galing padasal ay lagi siyang may dalang kendi o sandwich o kung anuman ang pinakain sa kanila roon.
Pero ngayon ay hindi na nakakapaglibot ang aking tiya mula nang siya'y magkasakit. Marami rin sa kanyang mga kaibigan ang nangamatay na. Nakakalungkot dahil para ko na rin silang mga magulang, at nami-miss ko na rin ang mga tradisyong aking nakalakhan na unti-unti nang nawawala dahil sa katandaan at pamamaalam ng mga gumagawa nito.
Gaya ng nakagwian, nagtirik din kami ngay-on ng mga kandila sa loob ng bahay. Lagi itong sa may kusina, kung saan doon ipinagdarasal ng aking mga tiya ang mga kaluluwa ng mga namatay naming kamag-anak. Nuong bata pa kami'y paborito naming magkapatid ang okasyong ito dahil ginagawa naming bola ang mga natunaw na kandila. Ngayo'y malaki na kami. Mananatili ang mga upos na nakadikit sa lumang kalendaryong panlatag, pagkatapos madasal ang huling Aba Ginoong Maria at maitago ang mga dasalan at rosaryo sa tokador.